^

PSN Palaro

Wall nagpasikat sa slam dunk contest ng NBA All-Star

Pilipino Star Ngayon

NEW ORLEANS -- Inangkin ni John Wall ng Wa­shington Wizards ang ko­rona sa slam dunk com­pe­tition para sa East Team, ha­bang naghari si San Antonio guard Marco Belinelli ang 3-point contest sa NBA All-Star.

Nilundagan ni Wall ang kanyang mascot para ma­kuha ang boto nina judges Dominique Wilkins, Magic Johnson at Julius Erving.

Nauna nang gumawa ng eksena si Sacramento rookie Ben McLemore kung saan nito nilipad ang na­kaupo sa trono ng haring si Shaquille O’Neal.

Ipinakita ni McLemore ang kanyang king’s robe at sinundan ni O’Neal na nagtampok naman sa kanyang ‘’Shaq-Lemore’’ jersey.

Muling nilundagan ni Mc­Lemore ang trono ni O’Neal para sa kanyang pag­tatangka, at ibinigay ni O’Neal ang korona sa kan­ya.

Ngunit matapos ito, si Wall ang hinirang na tunay na hari.

Dinaklot ni Wall ang bola mula sa Wizards mascot na si G-Man na hina­wakan ito sa kanyang ulo.

Matapos ito ay inilusot ni Wall ang bola sa kanyang mga binti at isinalpak ang isang two-handed reverse dunk.

‘’It was only my second time doing it. My first time was on Thursday,’’ sabi ni Wall. ‘’So I just felt comfor­table with myself and I knew it was a dunk that hasn’t been done before.’’

Napanalunan naman ni San Antonio guard Marco Be­linelli ang 3-point contest, habang sina Lillard at Utah rookie Trey Burke ang namayani sa skills challenge para sa dalawang pa­nalo ng West.

Sina Miami Heat forward Chris Bosh, Wilkins at WNBA star Swin Cash ang nagwagi naman sa unang event para sa East, ang shooting stars.

Umiskor si Belineli ng 24 points para talunin ang 19 ni Bradley Beal.

Nauna rito, nagtala si Belinelli ng 19 para sapa­wan ang 18 ni Lillard sa ka­nilang semis duel.

 

BRADLEY BEAL

CHRIS BOSH

DOMINIQUE WILKINS

EAST TEAM

JOHN WALL

JULIUS ERVING

LEMORE

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with