SBP ang NSA of The Year para sa PSA Annual Awards
MANILA, Philippines - Ang Gilas Pilipinas ang nagsimula ng lahat nang kuÂnin ang silver medal sa 27th FIBA-Asia Men’s ChampionÂship noong Agosto bago tapusin ng Sinag Pilipinas ang taÂong 2013 mula sa pagmimintine sa men’s gold medal sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Sa pagitan naman nito, kinuha ng Philippine Youth team ang silver medal sa FIBA-Asia U16 Championship at sinikwat ng PH U18 3x3 squad ang gold medal sa FIBA-Asia U18 3x3.
Ang mga ito ay hindi magiging posible kung hindi daÂhil sa suÂporta ng Samahang Basketbol ng PilÂipinas (SBP) na kiÂnilalang National Sports Association (NSA) of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) paÂra sa Annual Awards Night na inihahandog ng MILO kaÂsama ang Air21 bilang major sponsor.
Ang event ay nakatakda sa Enero 25 sa Centennial Hall ng Manila Hotel ay inaasahang dadaluhan nina SBP preÂsident Manny V. Pangilinan, vice-chairman Ricky VarÂgas, vice president Al Panlilio at executive director SonÂny Barrios para personal na tanggapin ang award na ibinigay sa NSA na nagbigay ng karangalan sa bansa sa buong isang taon.
Ito ang ikalawang pagkakataon na hinirang ang SBP bilang NSA of the Year matapos makipaghati sa National Golf Association noong 2012 edition sa taunang event na piÂnamamahalaan ng PSA katuwang ang Smart Sports, Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corp., ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine BasÂketball Association, Globalport, Rain or Shine, Philippine Charity Sweepstakes Office, Accel at3XVI, Senator Chiz Escudero at SM Prime Holdings.
- Latest