^

PSN Palaro

Streak nagpatuloy sa La Salle at Adamson

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natatapos ang mga winning streak ng La Salle at Adamson sa women’s volleyball at softball sa UAAP.

May 11 attacks at da­la­­wang service aces si Ara Galang habang sina Desiree Cheng, Abigail Marano, Mika Reyes at Cydthealee Demecillo ay nagsanib sa 24 hits tungo sa 25-12, 25-18, 25-20, panalo sa University of the East sa 76th UAAP volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakumpleto ng Lady Archers ang 7-0 sweep sa unang ikutan habang lumawig din sa 23 ang kanilang winning streak na nasimulan sa Season 75. Ito rin ang ika-27 sunod na consecutive sets na naibulsa ng La Salle.

Sinandalan naman ng Adamson ang homerun sa two-out situation ni Rissa Bernardino sa fourth inning para maisantabi ang 1-0 kalamangan ng National University tungo sa 4-1 tagumpay sa pagbubukas ng second round ng softball sa Rizal Memorial Diamond.

Nasundan ang pa­nab-lang homerun ng isang single ni Angelie Ursabia para mapaiskor si Luzvi­minda Embudo upang kunin na ng Lady Falcons ang kalamangan.

Itinaas sa tatlo ang kala­mangan ng Lady Falcons matapos ang fifth inning mula sa two-run single ni Embudo upang sungkitin ang ikapitong sunod na panalo sa taon at 41 diretso mula Season 73.

“Nagkasabay-sabay na masama ang palo ng mga players. Pero ang homerun ni Rissa ang bumuhay sa team,” wika ni Adamson coach Ana Santiago.

Si Bernardino rin ang starting pitcher ng koponan at may dalawang hits at isang run bukod sa isang strikeout sa unang apat na innings bago pumalit si Julie Muyco na may isang hit at tatlong strikeouts sa huling tatlong innings. (AT)

vuukle comment

ABIGAIL MARANO

ADAMSON

ANA SANTIAGO

ANGELIE URSABIA

ARA GALANG

CYDTHEALEE DEMECILLO

DESIREE CHENG

LA SALLE

LADY FALCONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with