Speed Boosters sinikwat ang 3rd place sa PSL
Laro Sabado
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
11:30 amPLDT-My DSL
vs Systema (Men’s finals)
1:30 pm--TMS-Army vs Cignal (Women’s finals)
MANILA, Philippines - Ibinuhos ng PLDT My-DSL ang kanilang hinagpis dulot na hindi pagpasok sa championship round nang pabagsakin ang Cagayan Valley, 25-17, 25-21, 25-23, at angkinin ang ikatlong puwesto sa Philippine Super Liga Grand Prix women’s volleyball kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si Kaylee Manns at SaÂvannah Noyes ay gumawa ng tig-14 hits habang sina Sue Roces at Maruja Banaticla ay nagsanib sa 17 hits at ang Speed BoosÂters ay magaang na isantabi ang hamon ng Lady Rising Suns sa huling dalawang sets upang makumpleto ang straight sets panalo.
May anim na hits pa si Pau Soriano at siya ang umako sa magkasunod na hits ng PLDT upang maÂnalo sa second sets bago humataw ang mga US imports sa third sets tungo sa panalo.
May tig-11 hits sina Wanida Kotruang at Angeli Tabaquero para sa Lady Rising Suns na nalagay sa ikalawang sunod na pang-apat na puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas ng International Volleyball Federation bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.
Gumawa ng confeÂrence-high na 36 puntos si Shinako Tanaka para ibigay sa Petron ang ikalimang puwesto sa 25-13, 20-25, 22-25, 25-22, 15-11, panalo sa RC Cola.
- Latest























