Donaire nais labanan si Salido
MANILA, Philippines - Hindi pa man sila nagkakaharap ni Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan ay may plano na si dating unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
Sinabi ni Donaire sa isang panayam ng BoÂxingÂScene.com na balak niyang labanan si World Boxing Organization (WBO) featherweight titlist Orlando Salido sakaling manalo siya sa kanilang rematch ni Darchinyan.
“Salido is an incredible fighter. I have great respect for Salido. He hold a belt and I would like a shot at it but I have to get past Darchinyan first,†ani Donaire sa kanilang rematch ni Darchinyan sa Nobyembre 10 sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Donaire sa featherweight division matapos magkampeon sa flyweight, bantamweight at super bantamweight clasÂses.
Magtatapat ang 30-anÂyos na si Donaire (31-2-0, 20 KOs) at ang 37-anyos na si Darchinyan (39-5-1, 28 KOs) sa isang rematch matapos noong Hulyo ng 2007.
Pinatulog ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian ang hawak nitong International Boxing Organization (IBO) at International Boxing Federation (IBF) flyweight titles.
- Latest