^

PSN Palaro

Finals tutuhugin ng Letran, Bedans

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

 (Mall of Asia Arena,

Pasay City)

12:30 p.m. Letran vs San Sebastian (Srs. Final 4)

2:30 p.m. San Beda

vs Perpetual Help

(Srs. Final 4)

 

MANILA, Philippines - Itakda ang ikalawang sunod na paghaharap sa finals ang balak gawin ng San Beda at Letran.

Sisimulan ngayon ang 89th NCAA men’s basketball Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at kalaban ng Knights ang San Sebastian sa ganap na alas-12:30 ng hapon at ang Lions ay kasukatan ng Perpetual Help dakong alas-2:30 ng hapon.

Pilit na isasantabi ng three-time defending champion Lions ang kontrobersya na dumapo sa kanila sa pagtatapos ng elimination round sa pagpanalo sa Altas upang umabante na sa Finals.

“We are trying to turn the negative things into positive,” wika ni Lions rookie coach Boyet Fernandez.

Tumapos ang San Beda bitbit ang nangungunang 15-3 baraha pero muntik mabawasan ang panalo at malagay sa pang-apat na puwesto nang akusahan ang guard na si Rsysei Koga na naglaro sa isang barangay league habang isinagawa ang NCAA.

Pero minabuti ng Ma­na­gement Committee (Mancom) na itigil muna ang imbestigasyon para hindi mabalam ang iskedyul ng Playoffs.

Hindi naman nagpa­baya ang Lions dahil nagsagawa sila ng team buil­ding upang hindi masira ang magandang samahan ng koponan.

Dalawang beses na nilang pinataob ang Altas sa taong ito at hindi malayong lumawig ito kung lalabas ang A-game ng mga  inaasahang sina Olaide Adeogun, Baser Amer, Kyle Pascual, Rome dela Rosa at Arthur dela Cruz.

Ang Knights na puma­ngalawa noong nakaraang season ay patok din sa Baste na may three-game winning streak na papasok sa Playoffs.

ALTAS

ANG KNIGHTS

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with