Stags, Altas magpupuwestuhan
MANILA, Philippines - Hawakan ang ikatlong puwesto ang paglalabanan ngayon ng San Sebastian at Perpetual Help sa 89th NCAA men’s basketball playoff sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang bakbakan na kailangang gawin dahil nagkatabla ang Stags at Altas sa 11-7 baraha matapos ang double-round elimination.
Ang San Beda ang naÂsa unang puwesto sa 15-3 baraha habang ang Letran ang nasa ikalawang puwesto sa 14-4 karta.
Pero ang pinal na puwesto ng three-time defenÂding champion Red Lions ay nakabinbin pa matapos lumabas ang akusasyon na naglaro sa ibang liga si Ryusei Koga habang idinadaos ang NCAA.
Hinihintay pa ng pamunuan ng liga ang mga ebidensya na magpapatunay sa alegasyon para ito pagpulungan.
Tinapos ng Stags ang kampanya sa elimination round bitbit ang dalawang dikit na panalo at isa sa kanilang pinabagsak ay ang Altas, 71-65.
Mga bagito halos ang mga sinasandalan ni coach Topex Robinson kaya ang magkaroon ng kaÂranÂasang makalaro sa playoff ay welcome sa Stags bilang paghahanda sa mas mahirap na laban sa semifinals.
Sa kabilang banda, ibalik ang nawawalang kumpiyansa ang nais ng Altas na tinapos ang laro sa elimination round bitbit ang limang sunod na pagkatalo.
Matapos ang larong ito ay magpapahinga ang liga walong araw at babalik sa Nobyembre 7 para sa pagsisimula ng Final Four.
- Latest