^

PSN Palaro

UST Tigers makakapaghanda nang husto laban sa Green Archers sa Game Three

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang magagawa sa University of Sto. Tomas ng isang linggong pahinga ba­go gawin ang Game Three sa 76th UAAP men’s bas­ketball finals.

Tabla ang iskor sa best-of-three series sa 1-1 matapos makabawi ang De La Salle University, 77-70, sa Game Two noong nakaraang Sabado.

Ang deciding game ay na­unang itinakda ngayong araw pero ipinagpaliban sa Sabado dahil sa gagamitin ang Mall of Asia Arena sa Pasay City sa kauna-una­hang NBA pre-season game bukas.

“Malaking bagay ito pa­ra sa amin kasi tatlong knockout game ang nilaro na­min. Tapos hard earned win din ang nangyari sa first game ng championship. Med­yo pagod na pagod din ang mga bata kaya wel­come ito,” wika ni UST head coach Alfredo Ja­rencio ka­hapon sa PSA fo­rum na ginawa sa PSC Athlete’s Lounge.

Dumating din si La Salle mentor Juno Sauler at isi­nantabi naman ang palagay na may momentum si­lang tangan matapos ma­nalo sa huling laban.

“We don’t have any mo­mentum for this game. We just have to make sure that we execute properly. To me, the most important part is how we approach these coming days. That’s more important and how we come out and play on Sa­turday,” wika ni Sauler.

Dahil isa’t-isa ang laban, nagkaisa ang dalawang coaches na mahalaga ang mental preparation pa­ra makuha ang panalo at ki­lalaning kampeon sa liga.

“May adjustment kami ng konti. Pero ang maha­laga rito ay ang mental pre­paration. Sa ganitong rub­bermatch, kung sino ang mas gustong manalo iyon ang kukuha nito,” dagdag ni Jarencio.

“I agree with coach Pi­do. Who ever can perform better and play with mental toughness will win,” segun­da ni Sauler.

Wala namang mga in­ju­ries ang magkabilang ko­ponan pero may dagdag pu­wersa ang Archers sa pag­lalaro ni Matt Salem na lumiban sa dalawang na­unang laro dahil sa injury.

“We know that he can shoot the threes and he can help spread the defense,” banggit pa ni Sauler.

vuukle comment

ALFREDO JA

DE LA SALLE UNIVERSITY

GAME

GAME THREE

GAME TWO

JUNO SAULER

LA SALLE

SAULER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with