^

PSN Palaro

Iran sinibak ng U-16 team, pasok sa semis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na edisyon ng FIBA Asia Under 16 Championship ay nasa semifinals ang koponang lahok ng Pilipinas.

Dinurog ng Nationals ang host Iran, 79-52, sa quarterfinals noong Miyer­kules sa Azadi Sports Complex sa Tehran, Iran.

Agad na lumayo sa 38-18 ang Pilipinas ngunit ang pinakamagandang nangyari ay naroroon pa ang kanilang pandiin sa huling yugto nang bigyan lamang ng anim na puntos ang host para mapahiya sa harap ng kanilang mga kababayan.

Ito ang unang pagka­kataon na ang Iran ay na­talo sa FIBA Asia na kung saan sila ang punong-abala.

Ang mga naunang FI­BA Asia championships na ginawa sa Iran at kanilang napanalunan ay ang 2004 FIBA Asia U20 Cham­pionship, 2007 FIBA Asia Champions Cupa at 2008 FIBA Asia U18 Championship.

Si Jose Lorenzo Men­do­za ay may 16 puntos para pangunahan ang li­mang nationals na tumipak ng sampung puntos pataas para umabante sa semis.

“We were really motiva­ted  by  the defeat happe­ned to Gilas at Manila,” wika ni Mendoza sa pa­nayam ng website ng FIBA Asia.

Makakalaban sa semis ng Pilipinas ang Chinese Taipei na pinagpahinga ang Bahrain sa dikitang 70-67.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magtutuos ang Pilipinas at Chinese Taipei at magbabalak ang tropa ni coach Mike Jarin na maipaghiganti ang 90-95 pagkatalo sa preliminary round.

Kung makabawi ang Nationals, matatabunan na nila ang dalawang pang-apat na puwestong pagtatapos na naitala noong 2009 at 2011 edisyon.

Ang China at Japan ang magtutuos para sa isang puwesto sa Finals.

Naitakda ito matapos mangibabaw ang China sa Kazakhstan, 102-75, habang ang Japan ay nagwagi sa Korea, 75-71.

 

 

vuukle comment

ANG CHINA

ASIA

ASIA CHAMPIONS CUPA

ASIA UNDER

AZADI SPORTS COMPLEX

CHINESE TAIPEI

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with