Knights inilampaso ang Heavy Bombers, solo sa 2nd
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
4 p.m.- Perpetual Help vs Lyceum
6 p.m.- San Sebastian vs San Beda
MANILA, Philippines - Mula sa mainit na paÂnimula ay hindi na nilingon pa ng Knights ang Heavy BomÂbers para muling kunin ang ikalawang puwesto.
Inilampaso ng Letran College ang Jose Rizal University, 75-50, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ipinalasap ng Knights ang pang-limang sunod na kabiguan ng Heavy Bombers.
Kumolekta si 6-foot-7 center Raymond Almazan ng 14 points, 20 rebounds at 3 blocks para banderahan ang Letran.
Umiskor naman si KeÂvin Racal ng 17 markers, habang nagtala sina ReneÂford Ruaya at Jojo Belorio ng tig-10 points para sa Muralla-based cagers na nanggaling sa 64-87 pagÂyukod sa Emilio Aguinaldo College noong nakaraang linggo.
Binanderahan ni Philip Paniamogan ang Jose RiÂzal mula sa kanyang 20 points.
Kaagad na kinuha ng Knights ang malaking 20-6 abante sa first period patungo sa pagtatayo ng isang 12-point lead, 48-36, sa third quarter.
Sapat na ito para maÂwalan ng kumpiyansa ang Heavy Bombers. Samantala, dinugtungan pa ng Arellano ang kanilangkampanyan nang igupo ang Mapua, 115-75 sa ikalawnag laro.
Letran (75) -- Racal 17, Almazan 14, Ruaya 10, Belorio 10, Nambatac 7, TambeÂling 6, Cruz 6, Luib 5, Po 0, Olotu 0, Buenaflor 0.
JRU (50) -- Paniamogan 20, Lasquety 9, Mabulac 6, Salaveria 6, Dela Paz 5, Diego 2, Sanchez 2, Pontejos 0, Cortez 0, Juanico 0, Gozum 0, Balagtas 0, Abanto 0.
Quarterscores: 20-6; 34-22; 48-36; 75-50.
- Latest