^

PSN Palaro

Romeo hinirang na UAAP MVP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ni Terrence Romeo ang dalawang taong pamamayagpag ni Bobby Ray  Parks Jr. ng National University bilang pinakamahusay na manlalaro sa UAAP nang kunin ang Most Valuable Player sa seniors division.

Nakalikom ang pointguard ng FEU ng 75.­2857 Statistical Points mula sa naitalang 22.2 puntos, 6.3 rebounds, 3.9 assists at 1.6 steals.

Ang averages ni Romeo sa puntos at steals ay number one sa liga habang panga­lawa siya sa assists.

Si Parks na nagtangka na makuha ang MVP sa ikatlong sunod na taon ay tuma­pos lamang sa ikatlong pu­westo sa 73.8571 SP sa averages na 18.3 puntos, 9.6 rebounds, 3.8 assists at tig-1.1 steals at blocks.

Ang nasa pangalawang puwesto ay si 6’8 UE center Charles Mammie sa 75.00 SPs na nakatrangko sa 15.1 puntos at 19 rebounds kada laro.

Pero hindi na kasama si Mammie sa karera dahil nasuspindi siya sa liga.

Ang MVP sa UAAP ay nadedetermina base sa stats lamang.

Si UE gunner Roi Sumang ang nalagay sa ikalimang puwesto sa 64 SP bago sinundan ng NU center Emmanuel Mbe (63.5714), Jason Perkins (58.5) at Jeron Teng (58.2857) ng La Salle, Chris Newsome ng Ateneo (55.7143)9 at Almond Vosotros ng La Salle (55.0714).

Samantala, winalis ng University of Santo Tomas ang limang gintong me­dalya sa poomsae sa taekwondo--ang bagong event sa UAAP nitong Miyerkules sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Naglista ng panalo ang Growling Tigers sa individual at team upang kunin ang ginto sa men’s at women’s categories, bago dinomina ang poomsae pair sections.

Kinuha ng UP ang ikalawang puwesto na may tatlong silvers at sumunod ang Ateneo na kumubra ng isang silver at tatlong bronze medals.

ALMOND VOSOTROS

ATENEO

BOBBY RAY

CHARLES MAMMIE

CHRIS NEWSOME

EMMANUEL MBE

FILOIL FLYING V ARENA

GROWLING TIGERS

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with