CEU umiskor ng panalo sa St. Clare
MANILA, Philippines - Giniba ng Centro Escolar University ang nagdedepensang St. Clare College of Caloocan, 45-44, sa pagbubukas ng 2013 National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) kahapon sa Makati Coliseum.
Binanderahan nina JoÂseph Senorifa at Alvin Abundo ang atake ng Scorpions para resbakan ang Saints na tumalo sa kanila sa 2012 NAASCU Finals.
Umiskor si Senorifa ng 12 points, habang may 10 si Abundo para sa CEU sa nasabing eight-team league na pinamamahalaan ng Our Lady of Fatima University (OLFU).
Nagtuwang sina Senorifa at Abundo sa isang 9-3 palitan matapos magtabla sa 35-35 kasunod ang maÂhigpit na depensang ibinigay ng Scorpions laban sa Saints.
Tumapos si Marty Gil ng 13 puntos para pangunaÂhan ang Saints.
Samantala, nagsilbi namang guest of honor si dating PBA superstar Vergel Meneses kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Steve Hontiveros at basketball supporter Alex Wang sa opening ceÂremony.
Nakasama ng tatlo sina league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare College of Caloocan at president Dr. Vicente O. Santos Jr. ng OLFU.
Bukod sa host OLFU ang iba pang team na kasali ay ang City University of Pasay, Rizal Technological University, New Era University, University of Makati at ang bagitong Polytechnic University ang bubuo sa eight-team cast ngayong season.
- Latest