Jawo sa Gilas Pilipinas: ‘Higpitan ang depensa sa top scorers ng Kazakhs’
MANILA, Philippines - Kumpiyansa si BasketÂball legend Robert Jaworski na tatalunin ng Pilipinas ang Kazakhstan sa knockout quarterfinals ng 27th FIBA-Asia Championships sa Mall of Asia Arena ngaÂyong gabi dahil ang NatioÂnal pride ang nakataya at taglay ng host team ang taÂlento para ito magawa.
Kung mananalo ang GiÂlas ay papasok ito sa semifinals para labanan ang mananalo sa pagitan ng South Korea at Qatar.
Dahil No. 1 ang Pilipinas sa Groups A-B, maiiwaÂsan nitong makaharap ang Iran at China.
Ang pag-abante sa seÂmifinals ay mangangaÂhulugan ng dalawang tsanÂsa para sa Pilipinas na maÂkakuha ng isa sa tatlong tiket patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ito ay dahil ang dalawang Final Four losers ay maglalaban para sa third place sa Linggo.
Ang top three placers ang kakatawan sa Asia sa 24-nation FIBA World Cup na idaraos sa anim na Spanish venues.
“Kazakhstan is a team we beat in a tune-up game,†sabi ni Jaworski. “No reason not to beat them again but as in other games, we need to be conscious of boxing out during rebounds, push them farther away from rebound areas and mark those who have high percentage shots.â€
Sa isang warm-up, tinalo ng Pilipinas ang KazakhsÂtan, 92-89, kung saan umiskor sina Jeff Chan at Jayson Castro ng tig-20 points.
Pinangunahan ni Jerry Johnson ang Kazakhs mula sa kanyang 17 points at 8 assists.
Nagdagdag naman si Anton Ponomarev ng 16 points at 9 boards.
Sinabi ni Jaworski na dapat higpitan ng Gilas ang depensa sa mga top scoÂrers ng Kazakhstan.
“Tighten defense on the key scorers the whole night,†dagdag pa ni Jaworski.
- Latest