LeBron dumating na sa Pilipinas
MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa kahapon si Lebron James ng MiaÂmi Heat para sa isang public appearance handog ng Nike.
Nagmula sa paggiya sa Heat sa ikalawang sunod na NBA championship matapos talunin sa Finals ang San AnÂtonio Spurs, dumating ang four-time NBA Most VaÂluaÂble Player sa Ninoy Aquino International Airport gaÂnap na alas-5:40 ng hapon.
“Just landed,†sabi ng isang staff ng Ogylvy, ang public reÂlations firm ng Nike sa Pilipinas.
Isang press conference ang dadaluhan ni James ngaÂyong tanghali sa Shangri-La Hotel sa Makati City bago siya dumiretso sa Nike Park sa Bonifacio High Street sa Taguig City sa alas-2 ng hapon.
Magtutungo siya sa MOA Arena sa Pasay City sa alas-4 at aalis ng bansa bukas ng umaga.
Dalawang beses hinirang si James bilang Finals MVP, tatlong ulit na kinilalang regular season MVP at naging miÂyembro ng All-Star ng siyam na beses kung saan siya nanalo ng dalawang All-Star MVP trophy.
Ang katawan ng 28-anyos na si James ay maikukumpara kay NBA legend Dominique Wilkins, habang ang kanyang pagpasa ay maihahalintulad kay NBA great Magic Johnson.
- Latest