^

PSN Palaro

Laglagan na

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Sa mga susunod na araw ay muli nating malalaman kung paano ibabalanse ng mga National Sports Associations (NSAs) ang kanilang kagustuhan na magpadala ng kanilang mga atleta at ang national pride.

 Ilalatag at sasalain na ng Philippine Sports Commision (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga listahan ng atleta na nais ipadala ng mga NSAs para sa 27th Southeast Asian Games sa Myan­mar.

 Ayon kay  PSC chairman Richie Garcia, inatasan   na niya ang mga NSAs na kumuha ng mga gintong medalya sa  2013 Myanmar SEA Games na nakatakda sa Disyembre.

At ito ang sisiguraduhin ng POC at PSC.

 Hindi madaling trabaho ang salain ang pinakabuod o ang ‘crème de la crème’ ng Pambansang koponan para sa SEA Games.

Kinakailangang depensahan ng mga NSAs ang ka­nilang napiling mga atleta na  sa ngayon ay nirerebisa na ng POC at PSC.

 May inisyal na 180 atleta na isasali para sa 28 sports ang nasa listahan.

Pero kung ang PSC ang tatanungin, maaari pa itong mabawasan.

Katuwiran ngayon ng PSC, mabuti nang magsiguro kaysa sa mag-aksaya ng pera.

Ang dragon boat ay ang may pinakamalaking bilang ng atleta sa 30 na miyembro kasunod ang athletics na may 20 atleta.

Sa pananaw natin ay may punto rin naman ang PSC na limitahan lamang ang mga atletang ilalahok, la­­lo na nga at karamihan sa mga sports na ilalatag ng host Myanmar ay kanilang tradisyunal na laro na wa­lang kaalam-alam ang ating mga atleta.

 Sina  Garcia at  POC pre­sident Jose ‘Peping’ Co­juangco Jr. ang ma­ngu­nguna sa screening ng mga atleta.

Inaasahan natin na po­­sibleng sa Agosto ay may pi­nal na listahan na pa­­ra sa mga atletang ilalahok sa SEA Games.

Bukod sa criteria na ta­nging ang mga 2011 gold medalist lamang ang makakasama sa Myan­mar SEA Games, ki­­nakailangan pa ring pa­tu­­nayan ng mga NSAs na maaaring ulitin o dupli­ka­hin ang gold medal fi­nish na ito ng mga atletang ka­nilang inilagay sa lis­tahan.

Nararapat lamang ito kung tutuusin upang ma­si­guro na tanging mga po­tensyal na gold medal win­­ners lamang ang ipapadala sa Myanmar SEA Games.

Lalo na at isa tayo sa mga bansa na nagpaha­yag ng protesta sa ka­nilang ginawang paglalagay ng mga sandamakmak na traditional sports.

Kinakailangan nating pa­­tunayan na kaya tayo nag­protesta ay dahil may  ibu­buga ang ating mga at­­leta.

ATLETA

MYAN

MYANMAR

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with