^

PSN Palaro

Torres nagretiro na sa Phl teams

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala na sa Pambansang koponan ang SEA Ga­mes long jump queen Marestella Torres.

Si Torres ay nagpasabi na sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ng kanyang desisyon na iwanan na ang buhay atleta at ibuhos ang panahon sa pagkakaroon ng pamilya.

Ang kanyang pagbibitiw sa national team ay epektibo noong Hulyo 1 at ipinaalam na rin sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ang 32-anyos na si Torres na siyang pinakamakinang na atleta sa athletics matapos manalo ng mga ginto sa Southeast Asia, Asian Championships at kinatawan ang Pilipinas sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics.

Sa ngayon, ang long jumper na kampeon ng SEA Games sa huling apat na edisyon (2005, 2007, 2009 at 2011) ay nasa Dumaguete City at hinihintay ang unang anak nila ni Eliezer Sunang na atleta sa shotput.

Ang biglaang desisyon na ito ni Torres ay tiyak na makakaapekto sa hanga­ring tagumpay ng PATAFA sa Myanmar SEA Games.

Si Torres ang pinanga­lanan ni national coach Joseph Sy na sure gold sa kanyang event.

Sa pangyayari, kaila­ngang magsumigasig si Katherine Santos para mapanatili sa Pilipinas ang ginto sa nasabing event sa ikalimang sunod na pagkakataon.

Si Santos ay nanalo ng bronze medal noong 2011 sa Indonesia sa 6.25-metro lundag.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

DUMAGUETE CITY

ELIEZER SUNANG

JOSEPH SY

KATHERINE SANTOS

LONDON OLYMPICS

MARESTELLA TORRES

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SI TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with