^

PSN Palaro

Parker sasailalim sa MRI, alanganin sa Game 4

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Sasailalim si Tony Parker sa MRI para suriin ang nanigas na hamstring upang malagay sa alanganin kung makakalaro siya sa Game 4 ng NBA Finals.

Na-injured si Parker sa unang bahagi ng second half sa Game Three ng San Antonio Spurs at Miami Heat sa kanilang lugar. Dinurog ng Spurs ang bisitang Heat, 113-77, para hawakan ang 2-1 kalamangan sa best-of-seven title series.

May anim na puntos at walong assists sa 27 minuto si Parker na sinikap na inilaro ang injury bago inilabas sa huling yugto noong nakalayo na ng milya-milya ang home team.

“Hopefully it’s nothing big and it’s just cramping or got tight on me,” wika ni Parker. “I don’t know. It was just a weird feeling.”

Dalawang panalo na lamang ang kailangang kunin ng Spurs para isubi ang ikalimang titulo sa kanilang prangkisa.

Ang Games Four at Five ay lalaruin pa sa San Antonio ngunit alam ng lahat na kailangan nila ang tulong ni Parker para tuluyang madispatsa ang nagdedepensang kampeon na Heat.

“Hopefully it just got tight and hopefully I will be fine,” dagdag ni Parker.

vuukle comment

ANG GAMES FOUR

DALAWANG

DINUROG

GAME THREE

MIAMI HEAT

PARKER

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with