^

PSN Palaro

Hibbert humataw sa panalo ng Pacers

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES -- Hindi naglaro si Roy Hibbert nang unang labanan ng Indiana Pacers ang Los Angeles Clippers.

At sa kanyang pagla­laro kagabi ay naging mahalaga siyang sandata ng Pacers.

Humugot si Hibbert ng 15 sa kanyang 26 points sa first quarter at humakot ng 10 rebounds bago ma-foul out na nakatulong sa 109-106 panalo ng Indiana kontra sa Clippers.

“I just wanted to get out of the gates early, be aggressive, make the right plays and don’t force things,”  sabi ni Hibbert.

Isinalpak ni Hibbert, nagsilbi ng kanyang one-game suspension nang matalo ang Pacers sa Clippers, 91-99 sa Indianapolis noong Pebrero 28, ang lahat ng kanyang walong tira sa first half at tumapos na may 11-for14 fieldgoal shooting.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Indiana para patuloy na banderahan ang Central Division.

Hindi nakaiskor si Clippers center DeAndre Jordan, sa loob ng 17 minuto at iniupo sa bench sa 6:26 sa third quarter at hindi na muling ipinasok sa fourth period.

Tumipa si David West ng 16 points, habang may tig-13 sina Lance Stephenson at George Hill.

Gumawa si Jamal Crawford ng 25 points para sa Pacific Division-leading Clippers, habang may 17 si Blake Griffin.

Sa Memphis, Tennessee, ibinigay ni Mike Conley ang ika-50 panalo ng Memphis mula sa kanyang dri­ving layup may 0.6 segundo na lamang ang nalalabi sa laro kung saan umahon ang Grizzlies  at igupo ang San Antonio Spurs, 92-90.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Grizzlies at ika-50 naman sa season sa unang pagkakataon mula noong 2003-04, at ito rin ang ika-12th sunod na panalo sa kanilang bakuran.

Isinalpak ni Conley ang huling limang puntos at tumapos ng 23 puntos para sa Pacers.

Binanderahan ni Tony Parker ang Spurs sa kanyang 25 puntos.

Sa iba pang resulta, ti­nalo ng Detroit ang Toron­to, 108-98; hiniya ng Atlanta ang Cleveland, 102-94; niyanig ng Milwaukee ang Charlotte, 131-102; pinasabog ng Houston ang Orlando, 111-103; binigo ng Minnesota ang Boston, 110-100.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

CENTRAL DIVISION

DAVID WEST

GEORGE HILL

HIBBERT

INDIANA PACERS

ISINALPAK

JAMAL CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with