^

PSN Palaro

Heat sinunog ang Magic para sa ika-27 sunod na panalo

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Florida--Isang rebound lamang ang kulang ni LeBron James para makumpleto ang kanyang triple-double.

Ngunit iyon lamang ang mairereklamo ng Miami Heat.

Tumapos si James na may 24 points, 11 assists at 9 rebounds at nakamit ng Heat ang kanilang ika-27 sunod na panalo nang payukurin ang Orlando Magic, 108-94, noong Lunes ng gabi.

Nagdagdag si Mario Chalmers ng 17, habang may tig-12 naman sina Chris Bosh at Ray Allen para sa Mia­mi, nagpakawala ng isang 13-0 atake sa pagtatapos ng third period at sa pagsisimula ng fourth quarter para talunin ang Orlando.

Itinala ng Heat ang isang 20-point lead bago ginamit ni Fil-American head coach Erik Spoelstra ang lahat ng kanyang players sa bench para sa kanyang pang-250 panalo sa koponan.

Anim na laro pa ang kailangan ng Miami para madup­lika ang 33 sunod na panalo ng Los Angeles Lakers na nangyari noong 1971-1972 bilang pinakamahabang winning streak sa NBA history.

Nagposte naman si Jameer Nelson ng 27 points at 12 assists para sa Magic, habang may 20 points si Tobias Harris.

Ang isang 20-2 ratsada sa loob ng 4:30 minuto sa third at fourth quarters ang kinailangan ng Miami upang talunin ang Orlando.

Ang 27 ng Heat ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa American major sports sa ilalim ng La­kers kasunod ang baseball team na New York Giants na may 26 dikit na tagumpay noong 1916, ang 21 ng  New England Patriots sa NFL noong 2003 at 2004 at ang 17 ng Pittsburgh Penguins sa NFL noong 1993.

CHRIS BOSH

ERIK SPOELSTRA

JAMEER NELSON

LOS ANGELES LAKERS

MARIO CHALMERS

MIAMI HEAT

NEW ENGLAND PATRIOTS

NEW YORK GIANTS

ORLANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with