^

PSN Palaro

Liderato nakataya sa sagupaan ng Elite, Shakers

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

 (Ynares Arena)

12 nn  Cebuana Lhuillier vs NLEX

2 p.m.  Fruitas vs Black-water Sports

4 p.m.  EA Regen Med vs Hog’s Breath

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Fruitas at Blackwater Sports ang liderato habang babangon naman ang 4-time defending champion NLEX Road Warriors sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro da­kong alas-2 ng hapon magkikita ang Shakers at Elite at ang mananalo ang magsosolo sa 12-koponang torneo bitbit ang 3-0 karta.

Galing ang tropa ni coach Nash Racela mula sa 81-56 panalo sa Jumbo Plastic at 75-72 tagumpay sa Cebuana Lhuillier.

“Halos isang buwan pa lamang kami pero naroon na ang determinasyon at puso ng mga bata. Contender ang Blackwater kaya’t dapat maging consistent kami,” wika ni Racela.

Ang Elite ay papasok sa laban dala ang 83-80 panalo sa Café France at 89-85 panalo sa Cagayan Valley.

“Fruitas is a young team and I expect it to be a good game,” pahayag ni Elite coach Leo Isaac.

Unang sasalang ang Road Warriors laban sa Cebuana Lhuillier sa ganap na alas-12 ng tanghali at nais ng koponan na bumangon mula sa 77-86 pagkatalo sa Big Chill.

Gagawin nila ito ng wala pa rin ang mga higanteng sina Ian Sangalang at Greg Slaughter na hindi rin nasilayan sa unang laro.

Huling laro ay ang ta­gi­san ng Hog’s Breath at EA Regen Med sa alas-4.

 

vuukle comment

ANG ELITE

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS

REGEN MED

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with