Twice-to-beat sa Lady Archers
Laro Sabado
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
8 a.m. La Salle vs UE (M)
9:30 a.m. Ateneo vs UST (M)
2 p.m. NU vs UST (W)
3:30 p.m. Ateneo vs La Salle (W)
MANILA, Philippines - Sinelyuhan na ng nagdedepensang kampeon La Salle ang unang twice-to-beat advantage sa semis sa madaling 25-15, 25-14, 25-13, panalo sa Adamson sa UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakita ni coach Ramil de Jesus ang hanap na walang humpay na laro mula sa Lady Archers tuÂngo sa paghablot ng ika-11 sunod na panalo matapos ang 12 laro.
“Ito ang laro na dapat na gawin ng team. Sinabi ko sa kanila na walang mahina o malakas at pantay-pantay ang lakas ng mga kasali sa UAAP. MaghaÂhanda na kami para sa next game laban sa Ateneo,†wika ni De Jesus.
Ang nagdedepensang MVP na si Abigail Marano mayroong 13 hits kasama ang dalawang blocks habang dalawang blocks din ang ibinigay ni Mika Reyes tungo sa siyam na puntos.
Kumuha rin ang Lady Eagles ng momentum papasok sa mahalagang tagisan sa Sabado sa pamamagitan ng 25-11, 25-14, 25-22, panalo sa UE sa isa pang laro.
Bumaba naman ang Lady Maroons sa 1-12 habang ika-13 sunod na kabiguan ang nalasap ng Lady Warriors.
- Latest

















