Si Mayweather ang no. 1, Pacquiao bumagsak sa No. 6 sa Yahoo! Sports rankings
MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang daÂlawang magkasunod na kaÂbiguan noong nakaraang taon, bumagsak sa No. 6 si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa listahan ng Yahoo! Sports.
Inupuan ni WBA super welterweight king Floyd Mayweather, Jr. (43-0-0, 26 knockouts) ang No. 1 spot sa Yahoo! Sports boxing rankings matapos itong humakot ng 27 sa 31 first-place votes para sa kanyang 303 points.
Nalaglag ang 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa No. 6 mula sa kanyang 126 points matapos mapatumba ni Juan Manuel Marquez (55-6-1, 40 KOs) sa sixth round sa kanilang pang-apat na paghaharap noong Disyembre 8.
Nauna nang nabigo ang Sarangani Congressman kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 8.
Pinaplano ni Pacquiao na idaos ang kanyang unang laban ngayong taon alinman sa Maynila o Singapore mula na rin sa pakikipag-usap ng kanyang kampo kay businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.
Gusto naman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na isabak sa aksyon si ‘Pacman’ sa Setyembre.
Nasa ibabaw ni Pacquiao si WBO super bantamweight titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. (31-1-0, 20 KOs) na may 207 points para sa No. 5 slot at nagposte ng apat na sunod na panalo noong 2012.
Kinuha ni WBA at WBC super middleweight titlist Andre Ward (26-0-0, 14 KOs) ang No. 2 mula sa kanyang 265 points kasu-nod sina Marquez na naka-kuha ng 228 points at WBC middleweight ruler Sergio Martinez (50-2-2, 28 KOs) na nakakolekta ng 215 points.
Ang iba pang nasa Top 10 sa Yahoo! Sports boxing rankings ay sina IBF, WBO at WBA heavyweight champion Wladimir Klitschko (59-3-0, 51 KOs) bilang No. 7; Bradley (29-0-0, 12 KOs) sa No. 8; WBC heavyweight titlist Vitali Klitschko (45-2-0, 41 KOs) sa No. 9; at si IBF super middleweight title holder Carl Froch (30-2-0, 22 KOs) sa No. 10.
- Latest