^

PSN Palaro

76ers tinulungan ni Holiday sa panalo

Pilipino Star Ngayon

PHILADELPHIA -- Umis­kor si Jrue Holiday ng 26 points para tulungan ang Philadelphia 76ers na mawakasan ang kanilang three-game home losing kid mula sa isang 99-93 panalo laban sa Utah Jazz.

Nagdagdag si Jason Richardson ng 20 points para sa Philadelphia, nanggaling sa kanilang ikatlong dikit na pagkatalo sa Detroit, habang nag-ambag ng 14 si Thaddeus Young at 12 si Nick Young.

Natalo ang Sixers (5-4) sa dalawa sa kanilang five-game homestand sa Milwaukee at sa Detroit.

Pinangunahan naman ni Paul Millsap ang Jazz (4-6) sa bisa ng kanyang 22 points kasunod ang career-high 17 markers ni DeMarre Carroll at 15 ni Al Jefferson.

May 1-6 record ngayon ang Jazz sa labas ng Utah.

Isang 13-2 atake ang ginawa ng Philadelphia para kunin ang 84-73 kalamangan sa gitna ng fourth quarter bago gumanti ang Utah sa pamamagitan ng isang 9-2 ratsada para makalapit sa apat na puntos sa huling 2:53.

Isinalpak ni Holiday ang kanyang layup at tumipa ng isang jumper si Young para sa eight-point lead ng Sixers patungo sa kanilang tagumpay laban sa Utah.

Sa iba pang laro, pinataob ng Indiana ang Dallas, 103-83; naisahan ng Orlando ang Detroit, 110-106 at iginupo ng Oklahoma City ang New Orleans, 110-95; tinalo ng Golden State ang Minnesota, 106-98;  at namayani ang Memphis sa New York, 105-95.

 

vuukle comment

AL JEFFERSON

GOLDEN STATE

JASON RICHARDSON

JRUE HOLIDAY

NEW ORLEANS

NEW YORK

NICK YOUNG

OKLAHOMA CITY

PAUL MILLSAP

THADDEUS YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with