^

PSN Palaro

Coach Norman iiwan ang Ateneo na may matatag na basketball program

- AT - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na nais na maitatak kay Ateneo coach Norman Black, ito ay ang naitagu­yod na matagumpay na prog­rama sa basketball.

Nakumpleto ng Eagles ang tinarget na ikalimang sunod na titulo sa liga nang kunin ang 65-62 panalo sa UST sa Game Two ng finals noong Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang hu­ling post game interview, si­nabi ni Black na naging matagumpay siya bilang isang collegiate coach dahil tumatag ang dinala niyang programa na nagresulta sa pagdagsa ng mga ma­huhusay na manlalaro na napakinabangan ng Ate­neo.

“When I first came in, I had good players. But in the next few years, we went out to the countryside and star­ted getting the best players to play for the Ateneo team. Me and Paolo Trillo build the foundation together with the program. We grew it to a point where we were able to bring in good pla­yers over the years. That’s what I would like to be remembered,” wika ni Black.

Tinapos ni Black ang kanyang coaching career sa Ateneo na nagsimula no­ong 2005 bitbit ang 110-26 karta.

Nakapasok ang Eagles sa Final Four sa lahat ng taon na nakaupo sa bench si Black at anim na beses na naglaro sa finals.

Noong 2006 unang na­ka­rating sa Finals si Black pero natalo ang number one team sa elimination sa UST.

“I’m very, very successful because Ateneo has now a strong foundation. A lot of people also don’t know that we have a year-round program. We work the entire year, we push our players a lot, we ask a lot from them and they come up big. I would like to thank them for that,” dagdag ng 54-anyos na dati ring sikat na PBA import noong kanyang kapanahunan.

Dahil sa iniwang program, nakikita rin ni Black na patuloy na magiging ma­lakas ang Eagles sa bas­ketball kahit wala na siya.

“Next year maybe a little bit of a problem because some of the key players are leaving. But it will be up to the next coach to get out there and start recruiting again,” dagdag pa ni  Black.

Ang mga starters na sina Greg Slaughter at Nico Salva bukod pa ni Justin Chua at Tonito Gonzaga ang mawawala na kaya’t ang mga sasandalan sa 2013 ay sina Kiefer Ra­vena, Juami Tiongon, Ryan Buenafe at JP Erram. 

ATENEO

BLACK

FINAL FOUR

GAME TWO

GREG SLAUGHTER

JUAMI TIONGON

JUSTIN CHUA

KIEFER RA

ME AND PAOLO TRILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with