^

PSN Palaro

Meneses isasabak ang Heavy Bombers sa PBA D-League

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang magandang eks­peryensa ang inaasahan ni coach Vergel Menses sa pagsabak ng kanyang Jo­se Rizal University sa da­rating na PBA Developmental League.

Ngunit tiniyak ni Mene­ses na makikipagsabayan ang Heavy Bombers sa na­sabing torneo.

Nakatakdang labanan ng Jose Rizal ang Perpe­tual Help sa isang knockout game sa Huwebes kung sa­an ang mananalo ang si­sikwat sa huling tiket sa Fi­nal Four sa 88th NCAA men’s basketball tournament.

Isang dating PBA Most Va­luable Player, sinabi ni Me­neses na sasabak ang Hea­vy Bombers sa PBA D-League para ilaban sa mga bigating commercial teams.

“Alam naming malala­kas ang team dito (sa D-League) kaya naniniwala ka­mi na magandang pre­pa­rasyon para sa next sea­son ng NCAA ang pagsali namin dito. Kung ma­katsamba at makarating sa playoff mas maganda,” wika ni Meneses.

“Pe­ro ang tiyak bawat ga­me pukpok ang mga pla­yers ko,” dagdag pa ng da­ting PBA superstar.

Ang iba pang lalahok sa darating na 3rd season ng PBA D-League ay ang three-time champion NLEX, Big Chill, Cebuana Lhuillier, Blackwater Sports, Boracay Rum, Café France, Cagayan Rising Suns, Erase Plantcenta, In­formatics/Phiten at HTC Phils.

Naniniwala si Meneses na ang kanilang tiyaga ang magtatakip ng butas sa kawalan nila ng sapat na eksperyensa sa PBA D-League.

“We’ll just do the best we can,” ani Meneses. “Hopefully, being an under­dog and a new team will serve us in good stead.”

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE

DEVELOPMENTAL LEAGUE

ERASE PLANTCENTA

MENESES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with