^

PSN Palaro

Black sinagot ang patutsada ni Jarencio

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tingnan mo ang stats.

Ito ang tugon ni Ateneo coach Norman Black bilang sagot sa tila pinalalabas ni mentor Pido Ja­ren­cio na nadaya ang UST nang lasapin ang 78-83 pagkatalo sa Game One ng 75th UAAP men’s basketball championship se­ries noong Sabado.

“If you look at the stats of the game, it does not back up what he’s saying,” wi­ka ni Black.

Tinuran ni Black ang ma­laking agwat ng Tigers sa freethrow, 26-12, at ang pagkakalagay nila sa penalty si­tuation sa huling 8:00 mi­nuto ng labanan.

Sina Greg Slaughter, Kiefer Ravena at Ryan Buenafe ay nalagay din sa foul trouble.

“This series will be won by the performance of the players on the basketball court and it will be won by the preparation of the coa­ching staff. It will not be won by the referees,” ba­nat pa ni Black.

Naasar din ang batikang Ateneo coach sa umano ay racial discrimination na pahayag ni Ja­rencio na pumapanig ang mga referees sa Ateneo na hawak ng isang foreign coach.

Si Black ay ipinanganak sa US pero 32 taon ng nasa bansa at nakapag-asawa ng isang Filipina.

“Iyon ang gusto kong sabihin, anong pakialam niya,” tugon ni Jarencio sa text.

Sinabi ni UAAP Commissioner Ato Badolato na strict reprimand lamang ang kanyang kaparusahan kay Jarencio.

ATENEO

COMMISSIONER ATO BADOLATO

GAME ONE

JARENCIO

KIEFER RAVENA

NORMAN BLACK

PIDO JA

RYAN BUENAFE

SHY

SI BLACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with