^

PSN Palaro

Boston 'di umubra sa Turkish team sa preseason game

- The Philippine Star

ISTANBUL -- Nala­sap ng Boston Celtics ang kanilang unang kabiguan sa preseason ng NBA matapos sumuko sa Turkish team Fenerbahce Ulker, 91-97.

Umiskor sina first-round draft pick Jared Sullinger at Jeff Green ng tig-16 points para sa Celtics na nanlamig sa second quarter kung saan sila inungusan ng Ulker sa scoring, 29-18.

Nagtala si Rajon Rondo ng 13 points at 9 assists, habang may 12 markers si Jason Terry.

Kabuuang 25 turnovers ang itinawag sa Celtics.

Ang susunod na exhibition game ng Celtics ay sa Linggo sa Milan, Italy laban sa Emporio Armani.

Magbabalik ang Celtics sa Boston sa Lunes at mu­ling mag-eensayo sa Oktubre 11 bago ang kanilang unang U.S. preseason game kontra sa New York Knicks sa Hartford, Conn. sa Oktubre 13. 

Samantala, hindi naman sumama sa team prac­tice ng Los Angeles Lakers si Kobe Bryant dahil sa pananakit ng kanyang kanang paa.

Apat na araw na naki­pag-ensayo si Bryant sa unang apat na araw ng team practice ng Lakers sa kanilang training camp, subalit nagpahinga na lamang sa kanilang morning session noong Biyernes.

Sisimulan ng pang- limang leading scorer sa kasaysayan ng NBA ang kanyang pang 17th season para sa Lakers. Siya ay isang five-time NBA champion at 14-time All-Star.

BOSTON CELTICS

EMPORIO ARMANI

FENERBAHCE ULKER

JARED SULLINGER

JASON TERRY

JEFF GREEN

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

NEW YORK KNICKS

OKTUBRE

RAJON RONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with