^

PSN Palaro

MILO Marathon Cebu leg handa nang pakawalan bukas

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatakdang pakawalan bukas ang Cebu eliminations leg ng 36th National MILO Marathon.

Sinabi ng mga organi­zers ng regional qualifying leg na ito ang unang pagkakataon na gagawin ang MILO Marathon sa Cebu.

Tampok din sa event ang cheer dance competition at firework display, habang inaasahan namang tatakbo si Biggest Loser former contestant at fitness advocate Alan Choachuy.

Ang Help Give Shoes advocacy program ng MILO ay nakapagbigay na sa 19,700 underprivileged school children sa buong bansa.

Kabuuang 500 pares ng sapatos ang ipapamahagi sa mga mahihirap na bata sa limang eskuwe­lahan sa Cebu City. Ang mga ito ay ang Camp Lapu-Lapu Elementary School, Liloan National High School, Cabangcalan NHS, Mabolo Elementary School at City Central School.

Matapos ang Cebu eliminations leg, ang susunod na qualifying race ay gagawin sa Bacolod sa Oktubre 14 at sa Iloilo City sa Oktubre 28.

ALAN CHOACHUY

ANG HELP GIVE SHOES

BIGGEST LOSER

CAMP LAPU-LAPU ELEMENTARY SCHOOL

CEBU

CEBU CITY

CITY CENTRAL SCHOOL

ILOILO CITY

LILOAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MABOLO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with