^

PSN Palaro

Please lang

PRESS ROW - Abac Cordero - The Philippine Star

Magandang senyales na maagang nagsisimulang mag-ensayo o magpa-pawis man lang si Manny Pacquiao para sa kanyang parating na laban kay Juan Manuel Marquez.

Nagsimula na daw mag-jogging si Pacquiao sa General Santos nung Miyerkules at naglaro pa ng volleyball. Sa Dec. 8 pa naman ang laban nila ni Marquez pero tila naniniguro siya.

Mabuti na nga naman na mag-unat na si Pacquiao ng buto bago pa man ang simula ng tunay na training niya sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Mabuti na din na pagdating niya sa LA ay nalaglag na ang tinatawag na “excess baggage” niya at hindi yung start from scratch pa lang pagdating sa Wild Card.

Kailangan lang muna niya mag-file ng kanyang kandidatura sa Comelec sa Oct. 5 at matapos nun ay pupunta na siya sa LA para mag-train. Wala na ang Baguio training camp.

Si Marquez naman ay nagsimula na din daw mag-ensayo. Gaya ni Pacquiao, nag-uunat na din ng buto ang Mexicano. Nagsisibak pa nga daw ng kahoy ala Silverster Stallone sa pelikulang Rocky.

Tiyak na matinding laban ang mapapanood natin sa December. At malamang ay huling Pacquiao-Marquez na ito kaya pareho silang naniniguro na todo kundisyun sila.

Pero medyo concerned pa din ako kay Pacquiao na bagamat todo ang kanyang training ay muling maka-apekto ang kanyang pagkalulong sa Bible studies.

Sa laban niya kay Timothy Bradley nung Hunyo, nakita ko kung paano siya mag-gugol ng maraming oras para sa Bible studies habang nag-eensayo.

Minsan ay inaabot si Pacquiao ng halos hating-gabi sa Bible studies niya. At minsan pa, mula almusal, tanghalian at hapunan ay nasa tabi niya ang kanyang pastor.

Sana naman ay bigyan nila si Pacquiao ng konting ispasyo para makapag-ensayo ng husto. Di naman ka­ilangan itigil ang Bible studies pero limitahan lang ng kaunti.

Mahirap ang ginagawa ni Pacquiao habang nasa training. Sobrang physical stress ang kanyang pinag-dadaanan at kung hahaluan pa ito ng matinting mental stress ay ‘di ito mabuti.

Pinipilit kabisaduhin ni Pacquiao ang nilalaman ng Bibliya at hindi biro ito. Mahirap yan dahil habang nag-eensayo siya para sa isang boxing match ay pagod din ang utak niya dito.

Masyadong stressful sa mind at body para pagsabayin ang training at Bible studies. Kaya sana naman, this time, pabayaan natin si Pacquiao na mag-focus ng husto sa training.

Hinay-hinay lang.

GENERAL SANTOS

JUAN MANUEL MARQUEZ

LOS ANGELES

MAG

MAHIRAP

NIYA

PACQUIAO

SA DEC

SI MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with