^

PSN Palaro

Mas malaking bilang ng runners lalahok sa 'Run, Ride & Roll for the Pasig River'

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Higit sa 80,000 kalahok ang inaasa­hang makikiisa sa panawagang linisin ang mga estero sa Metro Manila sa “09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River” sa Setyembre 30 sa Quezon City Memorial Circle.

Iba-ibang paaralan, non-government organizations at ahensya ng pamahalaan ang nangakong makikiisa sa advocacy event na bukas para sa mga mananakbo, siklista, at skateboarders at popondohan ang rehabilistasyon ng mga daluyan ng tubig sa Quezon City.

Hinihimok ang lahat ng lalahok na magdala ng kanya-kanyang lalagyan ng inumin dahil hindi magkakaroon ng disposable cups ang lahat ng water stations na nakapuwesto sa kahabaan ng Com­monwealth Avenue.

Isasagawa ito ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KBPIP) upang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at suportahan ang kautusan ng lokal na pamahalaan ng QC na ikontrol ang paggamit ng mga plastic bag sa mga tindahan, palengke, at iba pang pamilihan sa lungsod.

Ang 15K Ride & Roll para sa mga siklista at skateboarders ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon kasunod ang 15K Commonwealth Challenge Run sa alas-4:10 at ang 5K Morning Madness Run ay sa alas-6 ng gabi.

Mag-uumpisa ang mga takbuhan sa QCMC na tutuloy sa Commonwealth Avenue at babalik sa QCMC para sa finish line. 

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH CHALLENGE RUN

ILOG PASIG

KAPIT BISIG PARA

METRO MANILA

MORNING MADNESS RUN

PASIG RIVER

QUEZON CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with