^

PSN Palaro

Titular showdown ikakamada ng Sandugo, Cagayan

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sakyan ang mga dominanteng panalo sa unang pagtutuos ang hanap ng Sandugo-SSC at Cagayan Valley sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League semifinals ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Galing ang dalawang koponan sa kahanga-ha­ngang 3-0 sweep sa mga nakalabang Ateneo at Phi­lippine Army at kailangan na lamang na manalo pa sa hapong ito para makapasok sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Ang Lady Stags at Lady Eagles ang siyang unang bakbakan sa ganap na alas-4 ng hapon habang ang Rising Suns at Lady Troopers ang magtutuos dakong alas-6 ng gabi.

Hindi napigil ang mala­kas na atake ng mga Thai imports na sina Jeng Bualee at Utaiwan Kaen­sing bukod pa kay Nene Bautista tungo sa 25-13, 25-20, 25-9, panalo sa pagbubukas ng Final Four noong Miyerkules.

Tiyak namang bibigyan ng mas matinding laban ng first conference titlist Lady Eagles ang bagitong Sandugo dahil babalik sa koponan sina Fille Cainglet at Gretchen Ho para may makatuwang sina Alyssa Valdez at Dzi Gervacio.

May 25-20, 25-15, 25-20, kagulat-gulat na panalo ang Rising Suns sa nagde­depensang kampeon na Army Ladies sa unang ta­gisan.

Aminado si coach Mike Rafael na malaking tulong ang makauna sa serye sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa pero kailangan nilang magdoble sikap dahil hindi basta-basta patatalo ang Army.

Ang mga larong ito ay mapapanood sa live streaming sa www.v-league.ph habang ang Game one ng Final Four ay mapapanood sa AKTV sa Setyembre 18 sa ganap na alas-7 ng gabi. (ATa)

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG LADY STAGS

ARMY LADIES

CAGAYAN VALLEY

DZI GERVACIO

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

GRETCHEN HO

LADY EAGLES

RISING SUNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with