^

PSN Palaro

Del Rosario paboritong manalo sa BWC national finals

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namumuro si Liza del Rosario para pangunahan ang National Ladies World Cup tournament na magsisimula sa Linggo sa Coronado Lanes sa Mandaluyong City.

Tatlong araw gagawin ang kompetisyon na magdedetermina kung sino ang kakatawan sa Pilipinas sa Bowling World Cup sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2.

Napapaboran si Del Rosario dahil siya ang na­nguna sa dalawang araw na qualifying tournament sa kinamadang 2035 pinfalls sa 10 laro.

Umabot sa 52 bowlers ang umusad sa national finals at kasama rito ang magkapatid na sina Apple at Lara Posadas bukod pa kay Krizziah Tabora na pawang mga national pla­yers tulad ni Del Rosario.

Samantala, ang men’s national finals ay bubuksan bukas sa Coronado Lanes.

Ang mangungunang 34 male at female bowlers ang aabante sa ikalawang araw na lalaruin naman sa Paeng’s Midtown lanes.

Ang walong mangu­ngunang bowlers bitbit ang lahat ng kanilang scores ang aabante sa finals sa Setyembre 21 sa SM Bow­ling North Edsa.

BOWLING WORLD CUP

CORONADO LANES

DEL ROSARIO

DISYEMBRE

KRIZZIAH TABORA

LARA POSADAS

MANDALUYONG CITY

NATIONAL LADIES WORLD CUP

NORTH EDSA

SKY BOWLING CENTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with