^

PSN Palaro

Immonen, Makkonen kampeon sa partypoker.net 2012 World Cup Of Pool

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni­na Mika Immonen at Petri Mak­konen na ilagay ang Finland sa mga bansang nanalo sa PartyPoker.net World Cup of Pool nang talunin sina Ka­rol Skowerski at Wojciech Szewcyk ng Poland, 10-8, sa finals sa pagtatapos ng torneo kagabi sa Robinson’s Manila.

Naging kapana-panabik ang race-to-10 finals dahil na­nalo ang Finland nang ku­nin ang huling tatlong racks na pinaglabanan.

May dapat na ipagpasa­lamat sina Immonen at Mak­konen kay Szewcyk na may tatlong errors upang mawalang saysay ang hina­wakan na 8-7 kalamangan ng Poland.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na naglaro sa fi­nals ang Finland dahil no­­ong 2007 ay naipasok nina Immonen at Markus Java ang bansa sa championship la­ban kina Li He-wen at Fu Jian-bo ng China.

Pero nabigo sila nang ma­itakas ng China ang 11-10 panalo.

Sa taong ito, ang 16th seeds na sina Immonen at Makkonen ang siyang na­ging paborito matapos ka­lusin ang nagdedepensang Germany, 8-4, sa second round bago isinunod ang Team B ng Pilipinas na sina Ef­ren Reyes at Francisco Bus­tamante. (ATan)

FRANCISCO BUS

FU JIAN

IMMONEN

LI HE

MARKUS JAVA

MIKA IMMONEN

PETRI MAK

SHY

TEAM B

WOJCIECH SZEWCYK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with