^

PSN Palaro

Memory Team inspirasyon ng mga atletang Pinoy

- Robbie M. Pangi­l­inan - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Mula sa kanilang nakamit na 10 gintong medalya sa Mind Festival at 5th Thailand Intern tional Open Memory Championships sa Bangkok, Thailand, at medalyang pilak sa World Memory “Olympic” Championships sa Guangzhou, China, patuloy na nagiging inspirasyon ang Philippine Memory team para sa mga atletang Pilipino upang ibi­gay ang lahat ng makakaya at magbigay-karangalan sa bansa.

Pinangalanang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO)-Mandalu-yong-Bagong Henerasyon (BH) Philippine Memory Team, ang grupo ay dadalo sa pagbubukas ng Ph­i­lippine State College of Aero­nautics (PHILSCA) Intercolor games sa Set­yem­bre 5.

“Malaking inspirasyon sa mga atleta at estud-yante ng PHILSCA ang pagdating ng miyembro ng Philippine Memory team na nagbigay ng karangalan sa ating bansa,” ani Gigi Abalos-Manaog, ang orga-nizing chief ng PHILSCA Games.

Magbubukas sa Set­yembre 5 ang tatlong araw na PHILSCA Intercolor games sa Villamor Air Base sa Pasay City na may te­mang “Building a legacy in aero space”.

Pangungunahan ito ng pangulo ng PHILSCA na si Dr. Bernard R. Ramirez kasama sina Dr. Gemma Capacia, G. Ricardo Santia­go, G. Zoilo Manalo, Gigi Abalos-Manaog at Engr. Carmelita Arbozo at ang unang Filipino Grandmaster of Memory na si Mark Anthony Castañeda ng RTU.

Ang mga events na nakahanay ay ang basketball, volleyball, badminton, arnis, sepak takraw, taekwondo, chess, table tennis, cheerdance, dodgeball, tug of war, shower ball, patintero, at iba pa.

Lalaban naman ang Philippine Memory Team sa 21st World “Olympic” Memory Championships sa Disyembre 14, 15 at 16 sa London, United Kingdom.

BAGONG HENERASYON

CARMELITA ARBOZO

DR. BERNARD R

DR. GEMMA CAPACIA

FILIPINO GRANDMASTER OF MEMORY

GIGI ABALOS-MANAOG

MEMORY

PHILIPPINE MEMORY

PHILIPPINE MEMORY TEAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with