^

PSN Palaro

Lady Stags tinalo ang Tams para sa 5-0 sweep

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniritan ng Sandugo-San Sebastian ang Far Eastern U ng 25-8, 25-23, 25-13, panalo para makumpleto ang 5-game sweep sa pagtatapos ng first round ng Shakey’s V-League Open kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang mga Thai imports na sina Jeng Bualee at Utaiwan Kaensing ay nagsanib sa 24 kills na siyang kabuuang ginawa ng Lady Stags para maipagpatuloy ang pagdodomina sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza at may ayuda rin ang Accel at Mikasa.

May 14 kills si Bualee habang 10 spikes at 3 blocks ang ginawa ni Kaensing. Tig-siyam na puntos ang ibinigay nina Suzanne Roces at Joy Benito habang sina Angela Benting at Rhea Dimaculangan ay nagsanib sa 11 puntos upang itulak ang Lady Stags sa ikalimang sunod na pagkatalo.

May walong hits na kinatampukan ng anim na kills si Ivy Remulla para pangunahan ang FEU.

Tinapos naman ng isa pang bagong koponan na Cagayan ang laro sa unang ikutan bitbit ang 25-14, 25-14, 25-9 panalo sa Philippine Navy sa unang laro.

Si Sandra delos Santos ay mayroong 19 hits mula sa 11 kills at 7 service aces habang ang iba pang star­ters na sina Honey Royse Tubino, Joy Cases at Thai import Sutadta Chuewulim ay may 12, 11 at 10 puntos.

Umangat ang Rising Suns sa 3-2 baraha habang ang Navy na pinamunuan ni Kiteh Rosale ay may 5 spikes tungo sa 7 hits, ay bumagsak sa 1-4 karta.

ANGELA BENTING

FAR EASTERN U

HONEY ROYSE TUBINO

IVY REMULLA

JENG BUALEE

JOY BENITO

JOY CASES

KITEH ROSALE

LADY STAGS

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with