^

PSN Palaro

Army, Sandugo belles hahataw ng 3rd win

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na pa­na­lo ang balak kunin ng lider na Sandugo-SSC at Philippine Army sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Open ngayong hapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Kalaban ng Army Ladies ang Cagayan sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Lady Stags at Philippine Navy dakong alas-4. Ang huling laro ay sa pagitan ng mga collegiate teams na Ateneo at FEU.

Matapos ang dalawang laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza, ang Sandugo-SSC at Army ay may malinis na 2-0 karta habang ang first conference champion Lady Eagles at Rising Suns ay may 1-1 baraha. Nasa huling puwesto sa anim na koponang liga na may ayuda rin ng Accel at Mikasa ang Lady Tamaraws at Navy Ladies.

Napahirapan ang Lady Stags sa huling laban kontra sa Rising Suns nang mangailangan sila ng li­mang sets para makuha ang panalo.

Ngunit sa pagkakataong ito ay inaasahang hindi gaanong mabigat na katunggali ang Navy na huling yumukod sa Lady Eagles sa tatlong sets.

Ang Lady Troopers ang mapapalaban ngayon dahil de kalidad din ang lakas ng bagitong Cagayan.

Ang mga laro ay mapa­panood ng live streaming sa www.v-league.ph habang ang pagsasaere sa AKTV ng larong FEU-Army ay ngayong ika-7 ng gabi.

vuukle comment

ANG LADY TROOPERS

ARMY LADIES

LADY EAGLES

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

NAVY LADIES

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NAVY

RISING SUNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with