^

PSN Palaro

Azkals susukatan ang Chicago Inferno ngayon

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Haharapin ngayong umaga ng Philippine Azkals ang Chicago Inferno sa isang international friendly game na gagawin sa Wheaton College, Wheaton Illinois.

Ito ang una sa dalawang laro na haharapin ng Azkals sa US at kasunod nito ay babanggain nila ang US Virgin Island national team sa Agosto 17 sa Kuntz Stadium.

Binubuo ang Azkals ng 24 manlalaro na nagsasanay sa loob ng 15-araw sa US bilang panimula sa paghahanda ng koponan para sa Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.

Sa bilang na ito ay hindi kasama ang magkapatid na sina Phil at James Younghusbands, Fil-Foreign pla­yers sa pangunguna nina goal keepers Neil Etheridge at Ronald Muller, Dennis Cagara, Jerry Lucena at Paul Maulders.

Pero handa umanong sumabay ang Azkals sa Inferno na naglalaro sa Premier Development League at sa ngayon ay mayroong 4 panalo, 3 tabla at 9 talo sa 16 laro.

Mangunguna sa koponan ang batikang stiker na si Chieffy Caligdong bukod pa sa Fil-Foreigners na si Jason de Jong at Chris Greatwich.

AZKALS

CHICAGO INFERNO

CHIEFFY CALIGDONG

CHRIS GREATWICH

DENNIS CAGARA

JAMES YOUNGHUSBANDS

JERRY LUCENA

KUNTZ STADIUM

NEIL ETHERIDGE

PAUL MAULDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with