^

PSN Palaro

Sa Pilipinas magdedepensa si Casimero?

FREETHROWS - AC Zaldivar - The Philippine Star

Medyo tahimik pa sa kampo ni Johnriel Casimero at hindi pa gaanong pumuputok nang husto ang kanyang pangalan sa ‘consciousness’ ng mga Filipino fight fans.

Nasabay pa nga sa ongoing London Olympics ang matagumpay niyang pagdedepensa sa kanyang korona noong nakaraang linggo kaya kahit paano’y hindi naging ganoon kaningning ang panalo niya.

Pero kung tutuusin, malaking honor din ang kan­­yang naibigay sa bansa matapos na talunin ang Me­­xicanong si Pedro Guevarra para manatiling junior flyweight champion ng International Boxing Federation (IBF).

Napanatili niya ang 108-lbs title belt matapos ang 12-round split decision kay Guevara na rated No. 7 sa scores na 116-111, 114-113 at 113-114. Impresibo ito dahil ang laban ay ginanap sa Sinaloa, Mexico. Biruin mong nagtagumpay si Casimero sa lugar ng kanyang nakalaban!

Sa totoo lang, hindi naman bago para kay Casimero na lumaban sa ibang bansa. Ang sabi nga ng kanyang manager na si Sammy Gelo-Ani ay mas gusto ng kanyang boksingero na sa ibang bansa lumalaban. Mas ginaganahan daw ito doon.

Hindi nga ba’t pumasok sa consciousnes ng mga Filipino fight fans si Casimero matapos ang kanyang 10-round technical knockout na panalo kontra Juan Lazarte sa Mar Del Plata, Argentina kung saan nagkagulo sa ibabaw ng ring?

Inatake ng mga Argentinians sina Casimero at Gelo-Ani kasama ang ilan pang Filipino supporters sa ibabaw ng ring.

“Tuwing sasalatin ko ang ulo ko ay naaalala ko ang apat na bukol na naranasan ko after that fight,” ani Gelo-Ani. “Pero malaking bagay din ang laban na iyon at ang nangyari sa Argentina. Talagang nakilala si Johnriel,” kuwento ni Gelo-Ani na kasama ng kanyang boksingero sa isang pocket interview na isinaayos ng AKTV sa Cravings kamakailan.

Ayon kay Gelo-Ani, malamang na sa Nobyembre ang susunod na title defense ni Casimero pero wala pa silang kalaban. Tiyak namang manggagaling ito sa top ten contenders. Malaki ang posibilidad na Mexican ulit ang makalaban dahil sa marami ang Mexicano sa top Ten.

“We’re eyeing anyone who’s rated by the IBF, possibly another Mexican, although may Panamanian ding nasa top 10, and one Colombian. But we’re ready,” ani Gelo-Ani

Ang Panamanian ay si Luis Alberto Rios na No. 3 samantalang ang Colombian ay si Luis Dela Rosa na No. 6. Ang mga Mexicans ay sina Javier Mendoza na No. 4, Felipe Salguero (No. 5), Odilon Zaleta (No. 8), Juanito Hernandez (No. 9) at Ivan Meneses (No. 10)

Sa ngayon ay wala naman sa isip nina Gelo-Ani at Casimero ang unification bouts kasi ang ibang world bodies ay dominado rin ng mga Filipino.

Bagamat okay naman kay Casimero na lumaban abroad, sinabi ni Gelo-Ani na kung puwedeng dito sa Pilipinas gawin ang title defense, mas gugustuhin nila. At mangyayari iyon sa tulong ng AKTV.

 “As long as we’re going to be supported by a television network here, a title fight in the Philippines would be very good,” ani Gelo-Ani.

 At sisikapin nga ng AKTV na dito mangyari ang title defense na iyon upang mas ma-appreciate ng mga Filipino boxing fans ang laban at mas masuportahan nila ang bagong kampeon.

vuukle comment

ANG PANAMANIAN

ANI

CASIMERO

FELIPE SALGUERO

GELO

GELO-ANI

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

IVAN MENESES

JAVIER MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with