Marquez, Bradley at Cotto puwede kay Pacquiao
Manila, Philippines - Sa oras na magdesisyon si Manny Pacquiao kung sino ang kanyang gustong labanan sa Nobyembre 10 ay saka pa lamang ito paplantsahin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
“He’s going to fight on Nov. 10, but we’ll spend some time talking through everything and getting everything ironed out, and then I talk to the opponents and try to make a deal,” sabi ni Arum sa 33-anyos na si Pacquiao.
Nakatakdang magtungo sa bansa si Arum sa susunod na linggo para kausapin ang Filipino world eight-division champion.
Kabilang sa mga maaaring labanan ni Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) ay sina Juan Manuel Marquez (54-6-1, 39 KOs), Timothy Bradley, Jr. (29-0-0, 12 KOs) at Miguel Cotto (37-0-0, 30 KOs).
- Latest
- Trending