^

PSN Palaro

First-timer namatay sa Ironman 70.3

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Ito ang unang pagkakataon na sumali si Ramon Iga­na. Jr. sa Cobra Ironman 70.3 Philippines.

Ngunit sa kasamaang palad ay ito ang naging huli.

Namatay kahapon si Igana, isang load controller sa Ce­bu Pacific na nakadestino sa Mactan Cebu Interna­tional Airport, sa bike stage ng triathlon event sa South Road Pro­perties.

Wala pang opisyal na pahayag kung ano ang iki­namatay ni Igana, ang designated biker ng Team Tights Bugdo-Extreme ng Cebu.

Nang matapos ni Benjamin Balaoro, Jr. ang 1.9-kilo­meter swim, walang napansin na kakaiba kay Igana sa kanyang pagsuong sa 90.1-km bike na dadaan sa La­­pu-lapu, Cebu, Mandaue at Talisay.

Ayon sa mga saksi, sumemplang si Igana at tumama ang ulo sa concrete gutter sa SRP sa may Talisay.

Isinugod si Igana sa Chong Hua Hospital sa Cebu City kung saan siya idineklarang ‘dead on arrival’.

Bago tumumba ay nakita ng mga marshalls at rescuers si Iga­na na gumegewang ang pagbibisikleta.

BENJAMIN BALAORO

CEBU

CEBU CITY

CHONG HUA HOSPITAL

COBRA IRONMAN

IGANA

MACTAN CEBU INTERNA

RAMON IGA

SHY

SOUTH ROAD PRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with