^

PSN Palaro

Hoshina makikilatis ngayon vs Korean

- The Philippine Star

LONDON--May sigla na binati ni Tomohiko Hoshina ang mga atletang nasasalubong sa maulang Lunes ng umaga sa Olympic Village.

Kung mapapanatili ni Hoshina ang pagiging magiliw sa mga darating na araw ay malalaman matapos siyang sumalang sa unang laro sa heavyweight division sa judo na magtatapos ngayong araw.

Ang anak ng Hapon sa isang Filipina na mula Malolos, Bulacan ay masusukat agad sa pagbangga kay Kim Sung Min ng South Korea.

Si Kim ay may taas na 6-foot-3 at tumitimbang ng 280 pounds laban kay Hoshina na isang 5-foot-8 judoka na may timbang na 270 pounds lamang.

Inihayag ni Hoshina na unang pagkakataon niyang makakalaban si Kim na naglaro at kuminang rin sa mga idinaos na World at Asian Championships.

Ang kanyang maipapa­ngako ay ibibigay ang lahat ng makakaya upang makaabante sa second round.

Si Hoshina ay nakasali sa Olympics nang magka­roon siya ng 27 ranking points na naipon sa paglahok sa 2001 World Championship sa Paris at 2011 Asian Championship.

Isa siyang high school teacher at sumasahod ng $3,500 pero iniwan niya pa­nandalian ang kanyang pro­pes­yon upang maranasang mapalaban sa Olympics na bibihira lang mangyari.

vuukle comment

ASIAN CHAMPIONSHIP

ASIAN CHAMPIONSHIPS

HOSHINA

KIM SUNG MIN

OLYMPIC VILLAGE

SI HOSHINA

SI KIM

SOUTH KOREA

TOMOHIKO HOSHINA

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with