^

PSN Palaro

May mag-uuwi ng medalya sa 11 atleta

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat sa 11 atleta ng Pilipinas na maglalaro sa London Olympics ang may tsansa na manalo ng medalya.

Ito ang binanggit ni Red Dumuk, National Course Director ng Olympic Solidarity Itinerang School for Sports Leaders, base sa kanyang pagsusuri nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.

Tinukoy niya sina boxer Mark Anthony Barriga, BMX Fil-Am rider Daniel Caluag, long jumper Marestella Torres at weightlifter Hidilyn Diaz na may potensyal na tapusin ang 12 taong kawalan ng medalya sa Olympics ng Pilipinas.

Ang 18-anyos na si Barriga ay napaboran dahil magla­laro siya sa light flyweight division na pinagmulan ng huling tatlong medalya ng bansa sa boxing, kasama ang pilak ni Mansueto Velasco sa 19­96 Atlanta Games.

Si Caluag ay naispatan dahil kondisyon ito matapos lumahok sa tatlong Olympic qualifying races.

Kailangan naman nina Torres at Diaz na mapanta­yan ang kanilang best re­cord na 6.71 meters at 225-kilogram buhat, para magkaroon ng tsansa.

Ang mga ito ay lampas sa bronze na naitala sa Beijing Games.

ATLANTA GAMES

BEIJING GAMES

DANIEL CALUAG

HIDILYN DIAZ

LONDON OLYMPICS

MANSUETO VELASCO

MARESTELLA TORRES

MARK ANTHONY BARRIGA

NATIONAL COURSE DIRECTOR

OLYMPIC SOLIDARITY ITINERANG SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with