Lin balik Houston
HOUSTON--Dadalhin ni Jeremy Lin ang kanyang laro sa Houston makaraang ihayag ng Knicks na hindi nila tatapatan ang alok na three-year, $25 million offer ng Rockets sa nasabing restricted free agent.
“Extremely excited and honored to be a Houston Rocket again!!” sabi ni Lin sa kanyang Twitter account. “Much love and thankfulness to the Knicks and New York for your support the past year...easily the best year of my life.”
Ang 23-anyos na point guard na isang undrafted player mula sa Harvard University ay gumawa ng ingay noong Pebrero sa likod ng kanyang magkakasunod na magandang laro habang may injury sina Carmelo Anthony at Amare Stoudemire.
Ipinagdiwang ni Rockets general manager Daryl Morey ang muli nilang pagkuha kay Lin sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Pinakawalan ng Rockets si Lin matapos magsanay ng dalawang linggo sa kanilang training camp noong Disyembre.
Sinabi ni team owner Leslie Alexander na natutuwa ang Houston sa pagbabalik ni Lin.
- Latest
- Trending