^

PSN Palaro

Pacquiao nakiramay sa pamilya ni Dolphy

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Imbes na pag-usapan ang kanyang susunod na laban ay mas pinili ni Manny Pacquiao na makiramay sa pamilya ng namayapang si Comedy King Dolphy.

“Condolence sa pamilya niya. Ipag-pray natin siya,” sabi ni Pacquiao ma­ka­raang dumating sa bansa kahapon ng madaling-araw makaraan ang pag­ba­­bakasyon sa United States kasama ang kanyang asawang si Jinkee.

Naiwan pa sa US ang kanilang mga anak.

Lumapag ang Philippine Airlines flight (PR-103) sa Ninoy Aquino International Air­port ganap na alas-5:55 ng madaling-araw sakay sina Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, karapat-dapat na ituring si Dolphy bilang National Artist.

“Deserving naman talaga siya sa award,” wika ni Pacquiao.

Nagmula si Pacquiao sa isang kontro­bersyal na split decision loss kay Timothy Bradley, Jr. kung saan na­agaw sa kanya ng American fighter ang hawak niyang World Boxing Orga­nization (WBO) welterweight crown no­ong Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Sa kabila naman ng rematch clause sa kanilang fight contract, wala pa ring de­sisyon ang 33-anyos na si Pacquiao kung muling haharapin ang 28-anyos na si Bradley.

Binitawan ni Bradley ang dating suot na WBO light welterweight belt para idepensa ang welterweight title sa kanilang re­match ni Pacquiao sa Nobyembre 10.

Handa naman si Bradley (29-0-0, 12 KOs) sa kanilang rematch ni Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) para mapatunayan na si­ya talaga ang nanalo sa kanilang laban no­ong Hunyo 9.

Kung hindi matutuloy ang Pacquiao-Brad­ley rematch ay nasa listahan ni Arum ang 38-anyos na si Juan Manuel Marquez pa­ra sa kanilang ikaapat na laban ni ‘Pacman’.  

BRADLEY

COMEDY KING DOLPHY

HUNYO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VE

NATIONAL ARTIST

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIR

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with