^

PSN Palaro

Camby, Knicks nagkasundo na

- The Philippine Star
HOUSTON--Nakipagkasundo si free-agent center Marcus Camby na maglaro para sa New York Knicks sa isang sign-and-trade deal sa Houston Rockets, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Bilang kapalit, makukuha ng Rockets sina guard Toney Douglas, forward Josh Harrellson, center Jerome Jordan, second-round picks sa 2014 at 2015 at pera para bayaran ang suweldo ni Douglas sa Knicks.

Tatanggap si Camby ng isang three-year, $13.2 million contract na naglalaman ng partial guarantee sa third season.

Hinati ng 38-anyos na si Camby ang nakaraang season sa pagkampanya para sa Rockets at Portland Trail Blazers kung saan siya nagtala ng mga averages na 4.9 points at 9.0 rebounds sa 59 games.

Naglaro na si Camby ng apat na seasons para sa Knicks noong 1998-2002.

Makakasama ni Camby sa New York si veteran point guard Jason Kidd. Plano rin ng Knicks na panatilihin si point guard Jeremy Lin sa pamamagitan ng pagtapat sa $29 million offer sheet ng Rockets.

Samantala, kung makukuha naman ng Brooklyn Nets si All-Star at Orlando Magic center Dwight Howard ay inaasa­hang maraming NBA teams at players ang masasangkot.

Ang mga koponang mapapasama sa usapan ay ang Nets, Magic at Cleveland Cavaliers, bukod pa ang Rockets na determinadong maagaw si Howard.

BROOKLYN NETS

CAMBY

CLEVELAND CAVALIERS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

JASON KIDD

JEREMY LIN

JEROME JORDAN

JOSH HARRELLSON

MARCUS CAMBY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with