^

PSN Opinyon

‘Kahon ni Pandora’

AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

PARA Kay Vice President Sara Duterte, ibig niyang matuloy ang impeachment trial laban sa kanya. Aniya, gusto niya ng “bloodbath”. Ang literal na kahulugan ay paliligo ng dugo. Ang interpretasyon ko rito ay bulgaran ng kabulukan.

Para sa ilang mayaman ang imahinasyon, ito’y “alas” na hawak ng VP na kakaladkad din sa administrasyon, lalo na kay President Bongbong Marcos sa katiwaliang magpapabagsak sa Presidente.

Puwedeng ito ay isang bluff o puwede ring totoo. Kaya inaakala ng ilan nating kababayan na kung matutuloy ang trial ng Senado, ito’y magbubukas ng “kahon ni Pandora”. Patawad po at tinagalog ko ang idiom sa Ingles na “open Pandora’s box” na ang ibig sabihin ay magbubunyag ng mga maiitim na sikreto at kumplikadong sitwasyon kay President BBM.

Kung totoo iyan, walang nakaaalam. Ngunit sana nga ay mangyari iyan upang sumingaw na ang lahat ng baho ng magkabilang panig at magising ang natutulog na taumbayan.

Para sa kakilala ko, may basehan na totoo ang hinalang ito. Kasi, halatang nagpo-Poncio Pilato ang Presidente sa isyu. Iginigiit na wala siyang kinalaman sa impeachment. At si Senate President Chiz Escudero na close friend ni PBBM ay gumagalaw para patuloy na ma-delay ang trial ng Senado.

Sa kabilang dako, bagama’t labag sa Konstitusyon ang pagbasura ng Senado sa impeachment na pormal nang naiprisinta ng House of Representatives, nagpaikot ng resolution ang alipores ni dating President Rodrigo Duterte na si Sen. Bato dela Rosa na gustong ipabasura ang gaganaping trial.

Isang kilos protesta ang nakatakdang idaos ng civil society group upang manawagan sa Senado na ituloy ang trial dahil karapatan ng taumbayan na mabatid ang buong katotohanan.

VP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with