^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PHL, bumaba ang ranking sa Global Innovation Index

Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang Setyembre 30, 2026, inilabas ang 2026 Global Innovation Index, isang ranking na sumusukat kung gaano kahusay ang mga bansa sa paglikha ng bagong teknolohiya, produkto at ideya.

Bumaba ang Pilipinas mula ika-50 puwesto noong 2025 at naging ika-52 na lang ngayong taon.

Pero mas mahalaga kaysa sa ranking ang dahilan kung bakit bumaba ang Pilipinas.

Magaling ang Pilipinas pagdating sa paggawa at pag-export ng high-tech products. Pang-apat tayo sa mundo sa high-tech exports at pang-anim sa imports.

Malakas din tayo sa paggawa ng ­electronics at sa pagbibigay ng technology-related services.

Ngunit ang problema ay kulang pa ang mga teknolohiyang tayo mismo ang nag-iimbento at nagpapalago.

Mahina pa ang bansa sa research. Katumbas lamang ng 0.8 porsiyento ng ekonomiya ang ginagastos natin dito.

Kakaunti rin ang researchers kumpara sa ibang bansa.

Mahina rin ang performance sa college education at sa paglikha nang mas maraming eksperto sa science at engineering.

May problema rin sa ugnayan sa pagitan ng mga paaralan, researchers at negosyo. ­Maaaring may magandang invention o bagong ideya sa laboratoryo, pero kung walang puhunan at kompanyang handang mamuhunan at gumawa nito nang maramihan, mananatili lang itong prototype o research paper.

Kaya tama ang punto ng Department of Science and Technology (DOST): hindi sapat ang paramihan ng research papers, patents at prototypes.

Ang mahalaga ay kung ano ang kaya ­nating gawin, palakihin at ibenta sa ibang bansa.

Magaling tayong gumawa para sa mundo. Napatunayan na ito.

Ang susunod na hamon ay makapag-imbento ng mga teknolohiya at produktong tayo mismo ang nag-isip, nagmamay-ari at kumikita.

Kung matutupad o mangyayari ito, tiyak ang pag-unlad ng bansa. Tatahakin ang magandang daan patungo sa magandang bukas. Magkakaroon ng sariling tatak ang Pilipinas at kikilalanin sa larangan ng teknolohiya at sariling imbensiyon. Ang suporta ng pamahalaan at iba pang sector ang nararapat para makamit ito. Hindi dapat pabayaan sapagkat ito ang magbubukas sa maraming oportunidad o pagkakakitaan. Kung maunlad ang bansa, wala nang Pilipinong magtatangkang magtrabaho abroad para kumita.

GLOBAL

INNOVATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with