^

PSN Palaro

Alas hinataw ang 2-0 record sa AVC

Russell Cadayon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ipinoste ng Alas Pilipinas ang ikalawang sunod nilang panalo matapos talunin ang Indonesia, 22-25, 25-23, 25-13, 28-26, sa 2025 AVC Women’s Nations Cup kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Pumalo si 6-foot-2 Alyssa Solomon ng team-high 17 points mula sa 10 attacks, game-high na apat na blocks at tatlong aces para sa 2-0 record ng mga Pinay spikers katabla ang Kazakhstan sa Pool B.

Hindi niya natapos ang laro matapos magkaroon ng isang left ankle sprain sa tangka niyang pag-atake sa mga Indonesians sa fourth set.

Sa pag-upo sa bench ng National University Lady Bulldogs star ay sina Angel Canino, Bella Belen, Fifi Sharma at Shaina Nitura ang bumanat para sa tropa.

Tumapos sina Canino at Belen na may 15 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nagmula ang Alas Pilipinas sa 25-18, 25-16, 25-14 pagwalis sa Mongolia noong Sabado tampok ang tambalan nina Vanie Gandler at Canino.

Sunod na lalabanan ng Alas Pilipinas ang Iran (2-0) ngayong alas-4 ng hapon.

ALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with