^

PSN Palaro

Saint Benilde amoy na ang titulo

Pilipino Star Ngayon

Letran hiniya sa game 1

MANILA, Philippines —100 wo­men’s volleyball tournament finals na nilaro sa FilOil EcoOil Centre, kahapon.

Kinapitan ng Lady Bla­zers si Zamantha Nolasco sa opensa para mamuro sa pagsilo ng kampeonato sa kanilang best-of-three series.

Nirehistro ni Nolasco ang 21 points mula sa 12 attacks, walong blocks at isang service ace para sa four-peat seeking Taft-based squad na may tsansang makuha ang titulo sa Game 2 sa Miyerkules ng alas-2:30 sa parehong lugar.

Nakitaan ng determinasyon ang dalawang koponan sa unang dalawang sets kung saan ay tabla sa 1-1.

Nakauna ang Letran sa set 1 at may tsansa sanang masikwat ang 2-0 panalo sa set 2 nang makalamang sila ng 23-20.

Pero naging matatag ang Lady Blazers, umahon sila upang makuha ang mahirap na panalo.

Nagpatuloy ang mainit na laro ng Lady Blazers, humataw pa ng dalawang sets win para tapusin ang laro.

Samantala, nanalo naman sa men’s division ang Arellano University laban sa Letran, 27-25, 25-14, 22-25, 25-22 sa Game 1. 

LETRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with