Ricardo Brown sa PSA ngayon
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni dating Philippine Basketball Association Most Valuable Player Ricardo Brown ang mga bisita sa PSA Forum ngayong umaga sa Shakey’s U.N. Ave.
Ito ang unang public appearance ni Brown na dating star point guard ng Great Taste at San Miguel sa sesyon na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Smart, Philippine Amusements and Gaming Corporation at Shakeys.
Dahil sa dami ng bisita, sinabi ni PSA President Rey Bancod ng Tempo na magsisimula ang forum ng alas-10 ng umaga.
Dadalo rin ang mga koponan ng Cebu at Manila, maglalaban sa Baseball Philippines Series 9 Finals, bukod pa sa mga opisyales ng Pacific X-Treme Combat (PXC).
Magiging bisita rin si Ebong Joson na tatalakayin ang draw event ng AFF Suzuki Cup 2012 at mga executives ng Milo Little Olympics at SBP-Paserelle Twin Tournament sa pangunguna nina Milo Sports’ Robbie De Vera, Pat Goc-Ong at Dr. Robert Calo.
- Latest
- Trending